Na yung kabuhayan na itinayo at pinalakad ko na nasa isip ang kinabukasan ng anak ko, wala na di na sya katulad ng dati. Tipong mas umiikot pa sya para magbigay ng problema kaysa makatulong.
Nakakalungkot na kahit anong gawin mo wala nang mangyayari pa dahil nasamahan na ng maling ugali, maling kaisipan, maling pamamalakad. Na kahit sumigaw ka pa abot sa kabilang ibayo di ka maririnig dahil hindi naman yung pagbangon ng negosyo ang nasa isip kundi pagsilid ng panandaliang barya sa bulsa. Na hindi naman pagbuhay ng disente sa pamilya ang pangunahing layunin kundi makabili ng pansariling luhong hindi naman kayang bayaran.
Nakakatamad lang. Nakailang beses nang sumemplang pero wala man lang binago sa pamamaraan.
Daming utang. Daming sinunog na tulay. Daming masamang enerhiyang pinapasok ko sa buhay.
Mali-maling desisyon.
Palpak.